Daa! Daa! Daa! Fan Fiction ❯ Something is Missing... ❯ Chapter 1

[ A - All Readers ]
Parang May Kulang

Disclaimers: I don't own DaaDaaDaa/ UFO baby. Please don't sue.


Parang My Kulang
----------------------------------

Nagising si Kanata dahil sa matining na tunog ng kanyang alarm clock.
Napabalikwas siya sa kama bago naalalang kailangan nga pala niyang
pumasok sa eskwelahan.

'Bakit kaya hindi ako ginising ni Wannya?' tanong niya sa sarili
habang tinatahak <naks! tinatahak...ti na ta hak...lalim! erhm...sige
pagpatuloy nyo lang.> ang daan patungong banyo.

Matapos ang kanyang pang-umagang rutina <ano ba tagalog ng routine?
Nakakahiya...di ko alam ><> (i.e. maligo, magsepilyo etc.) ay dumeretso
naman sya ng kusina.

Binuksan ny ang ref at nang nakita niyang kalabasa na lang ang laman
nito, naisip nyang mamalengke pagkatapos ng klase.

'Bibili na rin ako ng gatas ni Baby Ryu.'

Umupo sya sa harap ng lamesa at kinain ang hinandang agahan para sa
kanya. Patapos na siya nang tumunog ang malaking kamapana ng templo.

'Buti at pinatunog na ni Miyu ang kamapana. Si itay kasi, nang-iwan pa.
Lagot! Mahuhuli na pala ako sa klase!' tumayo na siya at nilagay sa
lababo ang kanyang pinag-kainan.

"Aalis na ako! Wannya, baby Ryu!" nagmamadali siyang lumabas ng bahay
kaya't hindi na niya nakita ang isang pigura ng taong nagtataka.

"Parang nakalimot siya ah!"
----------------

Sa paaralan, hindi niya nakita si Miyu. Ang akala niya ay kasunod lang
niya ito pag-alis kanina sa templo. Mukhang naiwanan yata niya si Miyu.

"Kanata, gusto mo bang lumabas mamaya? Ililibre kita ng sine." Yaya sa
kanya ng parang nahihiyang si Santa.

"Pasensya na Santa. Kailangan ko kasing mamalengke mamaya." Tanggi niya
sa pag-aya ng kaibigan. Binuksan niya ang kanyang libro at pinihit ang
volume ng buong klase sa mute.

"Pero-" sasagot pa sana si Santa pabalik pero pinigilan siya ni Nanami.
Umiling ito bago tumingin sa bakanteng upuan ni Miyu.

"Kanata, gusto mo bang samahan akong mamili? Kailangan ko kasing bumili
ng panregalo." pang-iistorbo sa kanya ni Christine.

"Sorry Christine. Hindi ako pwede eh." hindi man lang umangat ang
kanyang mukha mula sa kanyang binabasa.

"Ganun ba? Sige, sa susunod na lang." tahimik na umalis si Christine sa
harap ni Kanata. Bagay na bago sa paningin ng kanilang mga kaklase.
Simula nang...

Biglang tumunog ang bell na nag-signal ng tanghalian.
------------------

Tahimik na kumakain si Kanata. Napansin niyang iba ang itsura at lasa
ng kanyang baon ngayon. Iba sa karaniwang niluluto ni Wannya. Pero hindi
na niya pinansin iyon. Ano bang malay nya at baka si Miyu ang naghanda
ng kanyang baon.

Pero hindi pa rin maalis sa kanya ang pakiramdam na parang may kulang
ngayon sa araw niya.

------------------

Makailang oras pa, sila ay nag-uwian na.

May ilang kaklase ang nag-aya kay Kanata na lubha niyang ikinagulat.
Maging si Naozumo ay inaya siya para magkape o kaya ay tulungan siyang
magtanim ng mga bagong dating na tipo ng mga Rosas sa kanyang hardin.

Ngunit ang lahat ng iyon ay tinanggihan niya. Kailangan pa niyang
mamalengke para sa uulamin nila mamaya at gatas ni Ryu.

Mag-gagabi na nang matapos siya ng pamimili.

Pauwi na siya nang may nakita siyang bibeng stufftoy.

'Magugustuhan ni Ryu ito.' at kanya itong binili.

Habang pauwi, hindi pa rin maalis sa kanya na parang may nakalimutan
siya.
----------------

"Nakauwi na ako!" sigaw niya pagpasok sa kanilang bahay. Pero
katahimikan lamang ang sumalubong sa kanya.

'Asan kaya si Baby Ryu? Madalas siya ang unang sumasalubong sa akin.'
nagtatakang tanong niya sa sarili.

May narinig siyang gumagalaw sa kusina kaya't pinutahan niya ito.

'Malamang nagluluto na si Wannya ng hapunan. Siguradong naroon din sina
Ryu at Miyu.'

"Namalengke na ako Wann-" at siya ay napatigil sa taong kanyang nakita.
----------------

"Itay?! Kelan pa kayo nakauwi?" Naggugulumihan niyang tanong. <Hanep!
Nagugulumihan naman ngayon! Mga natututunan ko nga naman. Ika nga ng
kaibigan ko, nakanang-tutcha! Whatever that means! ^__^V>

"Nakauwi ka na pala Kanata! Buti at nakita mo ang inihanda kong
tangahlian para sa iyo. Paalis ka na kasi kanina at hindi mo ako napansin."
masayang bati sa kanya ni ginoong Saiyonji.

Napako si Kanata sa kanyang kinatatayuan. Doon nagsimulang bumalik sa
kanya ang lahat. Isang taon na ang nakakaraan, umalis na sina Ryu at
Wannya pauwi sa kanilang planeta. Isang araw pagkatapos noon, umalis na
din si Miyu. <Isang araw ba o tatlo? Nakalimutan ko na. kung alam ninyo,
paki-sabi naman sa akin oh!>

Isang taon na at patuloy pa rin siya sa kanyang nakagawian. Patuloy na
isinasabuhay ang isang yugto na bahagi na ng nakaraan.

Isang taon na ngunit may araw talagang gumigising siya at ginagawa ang
mga bagay na palagi niyang ginagawa nung nandoroon pa sina Miyu, Wannya
at Ryu.

Sinabi na nga bang may nakalimutan siya. Hindi nga lang niya naalala
agad kung ano.
---------------------

"Hello."

"Hello. O, napatawag ka? Gabi ba diyan sa inyo ngayon?"

"Oo. Wala naman. Nangangamusta lang. kamusta ang bago mong eskwelahan
diyan sa Amerika?"

"Ayos naman. Mababait naman silang lahat."

"Siguro may crush ka na diyan no?!"

"Ano ka ba?!*blush*"

"Bakit? Totoo namang madali kang magka-crush lalo na at kamukha ni
Yukito ng Card captor. <Di ko pa rin maalala hanggang ngayon ang pangalan
ng kapatid ni Mikan.>"

"Ito! Selos ka lang diyan eh!"

"Ako?*blush* Hindi no!"

"Oo ngapala, baka makauwi ako diyan sa bakasyon...."

"Talaga? Magandang ideya yan! Gusto mong pumunta ng Dream paradise?"

"Basta ba sasamahan mo akong tingnan ang sunset sa taas ng ferris
wheel."

"Oo ba! Iyon lang pala eh...O paano date na yan ha!"

"Ok. O sige, paalam na po at malapit na ang umpisa ng aking klase. Baka
mahuli pa ako eh."

"O sige... paalam na din. Saka nga pala..."

"Ano yun Kanata?"

"Miyu...namimiss na kita...."

"Ako din. Sige. paalam."

*dialtone na lang ang maririnig*
---------------

Nakangiting pumasok si Kanata sa kanyang kuwarto. Tapos na naman ang
isang araw. Pero hindi tulad kanina, alam niyang wala na siyang
nakalimutan.

~Owari

A/N: Nani?! Kelan pa ako naging ganito?! It's suppose to end with Miyu
being dead and Kanata just missing her. But after the third cut <lunch
scene> things just snowballed from there! Must be my migraine! I always
write happy endings when my head hurts. @__@ So if anyone who wants a
happy ending for the fic 'out of the question', silently hope I'll have
a huge migraine the day for me to write the last chapter for huge
fluff. If not, well...don't blame me. >@<;

A/N part 2: Ito ay para sa mga fellow Filipino na nagbabasa ng fanfic
ko...<Oi! Mga Noypi dyan!> Dahil kaarawan ni Rizal ngayon, napagtripan
kong gumawa ng tagalog fic. Pero parang lampas pa ng Manila day ko ata
mapo-post ito...><' pasensya na kung wrong grammar <Kahit tagalog ang
sinasalita ko.> Kung may mag-rerequest na i-translate ko ito <parang
meron nga> Sure, pag may time ako. Kung may mag-maganadang loob naman na
i-tama ang mga nagawa kong pagkakamali sa fic na ito <sana meron>
MARAMING SALAMAT SA IYO!!!!! Kung kakilala kita, ililibre kita sa Mcdo! Wag
nyo po sana ako batuhin ng bulok na kamatis <wag na kayong mag-abalang
maghanap, binili ko na silang lahat for safety measures>. Ito palang ang
pangalawa kong tagalog fic at unang tagalog one-shot. Peace
tayo!^___^V

P.S.

May mabuting loob ang kumuha ng diskette ko kanina kaya ang chapters 13
at 14 ay nawala ulit pati na rin chapter 2 ng Ragnaweiss. Somebody
doesn't want me to post my craps and make other lives a living hell. Also,
I lost the next chapter for the parent trap: gravi style so...Sorry
Tonette!!!!! Ililibre na lang kita ng Mcdo! kung ayaw mo KFC na lang basta
wag Jollibee!

~ AoiFurin
June 19,2004/9:00 p.m.