Daa! Daa! Daa! Fan Fiction ❯ Somewhere In Between ❯ Reminiscing... ( Chapter 1 )

[ A - All Readers ]

 

Mar. 13, 2002

 

Dear diary,

 

Isang taon na din ang nagdaan ng magkahiwalay kami nila Lou, Bow Meow, Fefo, at Kanata. Isang taon na din kaming magkakasama nina mama at papa. Balik sa dating school, sa dating uniform, at sa dating buhay. Masaya na din ako pero parang di ako kuntento.. iba talaga ang buhay sa Saionji Temple.

 

Sixteen years old na ako ngayon. Naaalala ko noong nakaraang birthday ko. Nagpasurprise-party si Kanata para sa akin pagkaalis nila Lou pabalik sa kanilang planeta. Halong gulat at saya talaga yung naramdaman ko! Andun lahat ng mga kaibigan ko. Kompleto kami at talagang nag-enjoy ako… kaso sumunod-sunod din ay umalis na ako… Umuwi na ako sa amin. Buo na kaming magpapamilya. Ako, si mama, si papa… sina tito Hoshio at si Kanata.. sina Lou, Bow Meow, at ang mga tunay niyang magulang…. May sari-sarili na kaming buhay ngayon.

 

Ayos naman ang nangyari ngayong kaarawan ko. Pagkagaling ko sa school, dumeretso na ako sa bahay. Pagdating ko, nalanghap ko na may masarap na niluluto si Mama. Nabuking ko daw ang surpresa nya. Tapos yun.. sabay-sabay kaming kumain nila ma at pa. Binigyan din nila ako ng mga regalo.

 

Si mama, binigyan ako ng isang photo album (pictures ko simula bata). Karamihan talaga ng mga bata meron nito simula bata pa kaso ngayon lang naayos ni Mama yung akin. Talagang nilagyan nya ng madaming dekorasyon at kung anu-ano pa kasi syempre isang magandang alaala yun. Ngayon nya lang daw ito nabigay sa akin kasi mas maganda raw na at a certain stage na medyo nagkakaedad ka na, bigla mo na lang makikita yung kabataan mo.

 

Mas magrereminisce ka daw. May picture nga kami dun ni Kanata e (Yung sabay kami naliligo, nakakahiya talaga!). Naalala ko tuloy siya uli. Bakit kaya di nya man lang ako tinatawagan? Meron na kaya syang nakilalang iba ngayon? Ayoko naming ako ako ang tumawag sa kanya. Pangit sa babae yun. Pero… iniisip nya pa kaya ako? Naaalala nya pa kaya na kaarawan ko ngayon? Sana naman may lugar pa ako sa puso nya.

 

Si papa naman nga pala, inipon nya naman yung mga laruan ko noong bata pa ako. Nilagay nya ito sa isang magandang kahon at yun ang binigay nya sa akin. Para daw ito sa future. Maipapamana ko daw sa magiging anak ko.. Naisip-isip ko tuloy… aabot pa kaya ito ng ganun katagal?! Di ko pa ata naiisip yung mga ganun! Si baby Lou naman ang naalala ko ngayon.

 

Talagang nasiyahan ako sa regalo nila! Maraming bagay ang ipinaaalala nito sa akin… mga bahagi ng aking nakaraan… at ang nakaraan ko na lang.. Pagod na po ako kaya tutulog na ako. Oyasumi!!

 

-miyu-

Mar. 21, 2002

 

Dear diary,

 

Sabado ngayon at sobrang saya ko!! Nagplaplano sina Mama at Papa na magbakasyon kami sa Saionji Temple ngayong bakasyon. Natutuwa talaga ako kasi makikita ko na sila uli! Maririnig ko na uli yung mga kwento nina Aya't Nanami… Maaamoy ko na uli yung mga mababangong rosas ni Nozumo… Maririnig ko na uli yung mga kakaibang ideya ni Santa…. Makikita ko na uli ang masayahin at maamong mukha ni Christine, at syempre…. Makikita ko na din muli ang matamis na ngiti ni Kanata.. (*o di ba? Baduy! Trip ko lang!*)

 

Iniisip ko palang ta;agang ang saya sa pakiramdam! Napansin daw kasi nina Mama't Papa na mukhang malungkot ako madalas kaya naisipan nila na pumasyal naman kami dun para madalaw din daw sina Tito Hoshio at Kanata. Nagulat talaga sila sa reaction ko pagkatapos ko marinig ang binabalak nila. Excited na talaga ako!!! Hindi na ako makapag-iintay pa magbakasyon!!!! Nytnyt!

 

-miyu signing off with a smile-

 
 
 

<<<Hello po minna-san!! Ginawa ko lang ito kasi wala akong magawa. First time ko talagang magsulat ng ganito kaya sana magustuhan niyo! Ngayon nga lang, madami na akong upcoming exams pero I'll try to keep with the story. I made it in tagalog to better express my thoughts. Miss ko na talaga kasi ang ufo baby!! Sorry kung medyo parang kakaiba ito. Gusto ko po kasi lagging naiiba at di po ako English major.. gusto ko din lang kasi na at least malaman nyo yung mga naiisip ko.. yung mga wild imaginations ko! Just criticize my work na lang and you can tell me if ever I'm in or out, ok lang! For people who want it translated in English, just email me okay? May continuation pa ho ito. This is actually how I'm trying to imagine the life of Miyu would be after going back home and living without Lou, Kanata, and the other peeps. She'll be meeting someone new so watch out for it!! Taihen Arigatou Gozaimashita! >>>