Daa! Daa! Daa! Fan Fiction ❯ Somewhere In Between ❯ A New Start ( Chapter 2 )
September 17, 2002
Dear diary,
Pasukan na uli! Sa unang beses, nakaalis ako ng maaga ngayon sa bahay. Nararamdaman ko ang panibagong simoy ng hangin habang naglalakad ako papuntang skul. Feeling ko din ay may magandang mangyayari ngayon.
Nagkita-kita kami nila Mayuko at Yunata sa tapat ng skul. Sila nga pala yung mga kaibigan ko dito sa Kobe High. Sabay-sabay uli kaming pumunta sa classroom. Maya-maya, dumating na ang aming sensei. Bago nagsimula ang klase namin, pinakilala nya ang isa naming bagong magiging kaklase. Pangalan niya ay Yuya Sanada. Alam mo ba, sobrang kawaii nya!! Kamukha nya si Mizuki (kapatid ni Mikan)! Di nga lang tulad ni Mizuki na mas matanda sa akin. Ngayon kasing-edad ko na din. Swinerte pa ako kasi pinaupo sya dun sa bakanteng upuan sa likod ko! Habang naglalakad pa siya kanina papunta sa magiging upuan nya, nakita ko na napatingin din sya sa akin. Namula tuloy ako. Hindi tuloy ako naging komportable habang nagklaklase.
Magkakasama kaming nagrecess nina Mayuko at Yunata sa canteen. Alam mo ba, nakakagulat talaga! Nakisabay sa amin si Yuya. Nagpakilala siya sa amin at nalaman ko na bagong lipat lang pala sila dito sa aming bayan . Meron daw kasi silang pagawaan ng kandila dito sa amin na kapapatayo lang ng papa niya. Galing daw sila sa Akita. Dito daw sila nagpatayo ng kanilang pagawaan para din daw malapit sila sa bahay ng mga kamag-anak nila.
Nalaman ko din na malapit lang pala yung bahay nila sa amin. Sinabi ko sa kanya na halos malapit lang yung bahay namin sa kanila. Tapos bigla nya akong tinanong kung okey lang daw sa akin na sabay na lang kami pumasok araw-araw para naman daw masanay siya sa mga lugar dito. Ang bilis talaga ng pangyayari. Pumayag naman ako. Ang bilis ko din sumagot `no? Sinabi ko sa kanya na ayos lang.
Pagkatapos ng usapan namin, tumunog na yung bell. Balik uli sa classroom. Bago kami pumasok, sinabi sa akin nila Mayuko at Yunata na mukhang interesado daw sa akin si Yuya. Sinabi ko sa kanila na hindi naman siguro.. namula uli ako.
Natapos na ang klase namin. Nagpaalam muna ako kina Mayuko at Yunata kasi iba ang daanan papunta sa kanila. Naglalakad na ako pauwi nang tinawag ako ni Yuya. Sasabay na daw siya sa akin.
Habang naglalakad kami, tinanong niya ako ng kung anu-anong bagay tungkol sa sarili ko. Nasabi ko sa kanya yung tungkol kina mama at papa. Nagulat sya nung nalaman niya na anak pala ako nila. Sikat kasi na astronomer si mama at si papa naman na scientist din.
Naikwento ko din sa kanya yung mga nangyari sa akin noong iniwanan ako nila mama't papa sa Saionji Temple. Sinabi ko sa kanya yung tungkol sa mga kaibigan ko dun at yung tungkol kina Lou at Kanata. Ikwinento ko si Kanata bilang pinsan ko at si Lou naman ang kapatid nya. Nabanggit ko din na kami-kami lang ang magkakasama sa bahay. Nasabi niya tuloy sa akin na siguro sanay na daw ako sa mga gawaing bahay. Sinabi ko naman sa kanya na medyo lang at di ako gaanong marunong magluto. Napatawa siya. Napatingin ako sa kanya. Naalala ko tuloy si Kanata noong una ko siyang nakitang tumawa.
Nasa tapat na kami ng bahay naming. Sinabi nya sa akin, "Ito pala ang bahay niyo. Ngayon alam ko na.. Masaya ako at nakausap kita. Hanggang dito na lang pala.. bukas ha? Sabay tayo?!" Umoo naman ako. Parang nag-iba yung pakiramdam ko nung umalis sya. Ganito kami nagkakilala.. Naging tama nga ang kutob ko nung una.. Masaya ako ngayon! Napahaba tuloy yung pagsusulat ko sa aking diary. Sige ha, pagod na pagod kasi ako. Gabi na dumating sina Mama at Papa. Oyasumi!
MiYu
<<<hello uli! Ngayon ko lang uli eto naiadd. Sensya na ha kung maunti lang ito, medyo naging busy kasi. Sana gumawa din kayo ng kwento para dumami na ang fanfics na under ng daa daa daa. Mas madami, mas masaya! ciao!>>>