Daa! Daa! Daa! Fan Fiction ❯ Somewhere In Between ❯ Unexpected Visit to Saionji ( Chapter 3 )
[ A - All Readers ]
<<<hello readers (if ever there still is/are)!! Gomen ne if this really took a long time… I've been busy with my college life and oh! It's a new semester once again for me although we're already halfway through..^_^.. Honestly, I forgot what I would like to do with the story but sometimes, whenever I was in my solitary moments, some ideas seem to puff up my mind and so my mind and my heart both agreed to change the direction of this story.. Gulo ko `no? I'll really try to keep this up. I say goodbye to my diary style from now on..>>>
Legend:
{..}, <<<…>>> = writer's words (of wisdom… daw!)
Dec. 10, 2002
Isang malamig na umaga ang sumalubong sa panibagong araw buwan ng Disyembre kila Miyu. Sabado ang araw na yun kaya walang pasok silang lahat. Maliban na lang sa mga magulang ni Miyu na siya'ng nag-overtime sa trabaho. Natira uling mag-isa si Miyu sa bahay. Kagigising lang ni Miyu nang nagsipilyo at naghilamos na din sya agad. Pagkatapos ay naglinis siya ng bahay at naligo na din sya sumunod-sunod. {… sa galaw mo.. kumakanta lang ako..^_^}
Miyu: “Hayy.. Mag-isa na naman ako sa bahay... Ano naman kaya ang magandang gawin ngayon..”
Sinagot niya din ang tanong niya.
Miyu: “Parang gusto ko mamasyal ngayon sa parke, sa pagkakaalala ko rin, may bagong bilihan dun ng mitarashi dango.. Ang tagal ko na ring di nakakatikin nito, makapunta nga.” (mitarashi dango = dumplings na favorite ni bow meow)
Palabas na ng gate si Miyu nang may mapansin siya'ng liwanag {sa dilim.. hehe..} galing sa bakuran nila.
Miyu: “Ano kaya yung liwanag na yun?.. Hindi naman siguro mumu yun at araw ngayon.”
Pumunta si Miyu sa bakuran ng may halong konting kaba. At napag-alaman niya na isa pala itong..
Miyu: “WORM HOLE!”
Nabigla si Miyu sa nakita niya sa dahilan na ngayon lang uli siya nakakita nito mula ng umalis sina Lou.
Miyu: “Kapag pumasok ako dito, pweding makarating ako sa iba't ibang lugar at panahon… Hmm.. makakabalik din naman ako dito siguro.. lagi naman kami nakakabalik nila Lou noon e..”
Pumasok si Miyu sa wormhole at naramdaman niya uli na parang nahuhulog siya sa bangin..
Miyu: “Nasaan na kaya ako??”
Bumagsak siya sa isang malabundok na mga manika.
Miyu: “Wow! Ang cute naman ng mga ito!!”
Hinawakan niya ang isa sa mga manika na kamukha ni Chuckie sa child's play nang bigla itong nagsalita.. {hehe.. naalala ko lang siya..}
Chuckie-look-alike: “Kumusta ka?!”
Miyu: “Kyaaaaa!!!!”
Tumalon si Miyu at nahulog na naman siya sa isang panibagong wormhole..
Miyu: “Wahh! Gusto ko ng bumalik!!… san naman kaya lupalop na lugar ako ngayon.?? huhu..”
May nakita siya'ng mataas at malapad na puno na mukhang may ipinapaalala sa kanya. Lumakad pa siya at nilibot niya pa ang puno nang may nakita siyang isang lalake na nakapulang kasuotan at may puting buhok.
Miyu: “Parang napanood ko na ito a.. Teka.. iisipin ko..”
Napunta pala siya sa mundo nila...
Miyu: “INU-YASHA!”
Naalala ni Miyu na maraming halimaw doon kaya naghanap pa siya ng panibagong malulusutan na wormhole. Sinubukan niya dun sa balon na siya'ng pinanggagalingan din ni Kagome. At dun niya natagpuan ang isa pang wormhole.
Miyu: “Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, di na sana ako pumasok pa ng wormhole!!” (habang nasa wormhole siya)
Bumagsak na naman si Miyu sa isang lugar. May nakita na naman siya'ng puno at pamilyar uli sa kanya. At eto ang..
Miyu: “Saionji Temple?”
<<< Dito na po muna magtatapos ang kwento.. On the spot po yung ginawa kong ito kaya kailangan ko pa pag-isipan ng mabuti yung mangyayari sa kanya sa Saionji Temple. Kailangan syempre maganda ang tagpo.. ala-Boy-meets-Girl! Sorry po kung magulo ito. Yung past chapters kasi malungkot tapos biglang sumigla. Malungkot kasi ako last sem kaya ganun pero ngayon di na masyado! Naisipan ko lang po talaga ito bigla, marahil may epekto pa sa akin yung madugong exam (Exaj naman ako..^_^) ko 5 hrs ago (10 pm na ngayon sabi ni clockstopper).. Kauuwi ko lang.. Gabi na din po kaya hanggang sa muli! Tomas Sawyer >>>